Three Life-Lessons

Date Posted: February 8, 2019 at 03:30 PM


Speech delivered by Sen. Bam Aquino, Commencement Speaker 
Adamson University 32nd Mid-year Commencement Exercises
Philippine International Convention Center 
January 25, 2019

 
Magandang hapon sa ating lahat!

Bago ang lahat, nais kong magpasalamat sa inyo. Isang karangalan ang makasama kayo sa napakahalagang araw na ito! Maraming salamat sa inyong pag-imbita.

Dear Graduates, ito na ang araw na pinakahihintay niyo at ng inyong mga magulang.

This is the culmination of all your hard work as students! So let’s take some time to thank the people who were part of your journey.

Maraming salamat sa ating mga guro! Our graduates will take your lessons with them as they build a brighter future for themselves and the country. Let’s give our teachers a round of applause!

Maraming salamat sa ating mga magulang at pamilya! I must say, napakaganda ng setup natin ngayon na magkatabi ang graduates at ang kanilang magulang, dahil sa inyo rin po ang araw na ito. Palakpakan po natin ang mga nanay at tatay natin!

Pero siyempre, kailangan natin ibigay ang pinakamalakas na palakpakan sa ating mga graduates! Palakpakan niyo po ang inyong mga sarili! Congratulations!

Ngayong araw, ipinagdiriwang niyo ang lahat ng hirap - ang mga gabing hindi kayo natulog para tapusin ang inyong thesis, ang kaba na dinanas niyo sa bawat exam, at ang lahat ng pagkakataong kumayod kayo para maging mas mahusay na estudyante.

Today, we also celebrate the good times - the friendships forged, the unforgettable memories made, the laughter and the life lessons learned... we remember it all, we give thanks and we celebrate before embarking on a new journey beyond the walls of Adamson University. 

To send off our young Falcons on your next great adventure, I’d like to share with you three life-lessons I’ve learned through the years - lessons I would have wanted to know at your age. 

The first secret is the secret to living.

Sa mga mayroong smart phone, pakilabas ito at ilagay sa camera mode! Itapat sa inyong katabi. Itapat sa noo… sa ilong… sa pisngi…

Ngayon naman, itabi ang inyong mga phone. Itabi na ‘yan at titigan naman ang inyong katabi. Ilapit ang inyong mga mukha! Lapit hanggang malaman niyo kung ano ang kinain niya noong breakfast! Ok! Time is up!

Anong pakiramdam niyo? Awkward ba? Alin ang mas nakakailang? Alin ang mas unforgettable?

Hindi ba’t mas ramdam mo ang iyong katabi pag walang gadget sa pagitan ninyo? Mas ramdam mo rin ang hiya! Pero parang mas totoo, parang mas nakilala mo ang kaniyang mukha at pagkibo kapag gamit mo ang iyong dalawang mata. 

Friends, life is too short to live behind a screen! My first secret to share with you is to live life with no filters. Live life with NO FILTERS. Let’s not allow our connections to end on screen. Let’s look up and engage in real life conversations!
 
Makipag-kwentuhan sa pamilya habang hapunan. Palakasin ang loob at kausapin si crush imbis na mag-like lang ng IG post. At maging bukas sa mga bagong karanasan at kakaibang mga pananaw.
 
The challenge of this first secret is to experience the world in its fullest, to challenge our own perspectives, and open our minds what the world can offer and what different people can teach us.
 
That is, to me, the secret to living: to go beyond filters, break down barriers, and genuinely reach out to our fellow men and women.
 
The second secret is the secret to winning.
 
A wise and extremely successful individual once said, “Excellence is a habit. You are what you repeatedly do.”
 
Kilala niyo ba kung sino ang nagsabi nito? Hindi ito isang politiko o isang philosopher. Ang nagsabi nito ay si Shaquille O’Neal! Isang batikang basketball player. 

Si Shaquille, noong ako ang nasa edad niyo ngayon, sila yung nagcha-champion noong panahon yon kasama si Kobe Bryant. At that time they won three straight NBA championships. 

Noong tinanong siya ng reporter, "Bakit kayo laging nananalo? What is your secret to success?" Ang sabi niya, "Excellence has become our habit. You are what you repeatedly do." 
 
Para sa kaniya, ang paulit-ulit na pag-ensayo, ang araw-araw na pagsisikap para pahusayin ang ating sarili at kanyang grupo - iyan  ang nagdidikta ng tagumpay sa buhay.
 
Kaya kung gusto natin magtagumpay, dapat hindi pwede and pwede na. Makapasa lang - pwede na ‘yan! Ang bako-bakong daan - nadadaanan pa naman. Pwede na ‘yan! Ang mabagal na internet - nakaka-download pa rin naman. Pwede na!
 
Pero kung gusto nating magtagumpay, dapat hindi pwede ang pwede na.
 
At naniniwala ako sa kakayahan niyong mga graduates, at sa kakayahan ng bawat Pilipino. Alam kong kaya pa! Kaya pa nating pagbutihin, pagandahin, pabilisin, palakasin, padamihin, paigtingin. Kaya pa natin basta’t handa tayong magtrabaho at gawing pang-araw-araw na karanasan ang excellence sa ating buhay.
 
Ang maganda dito, hindi natin kailangan maging matalino, gwapo, o may talento upang maging matagumpay sa ating buhay. Kailangan lang, sanay na magtrabaho at may kakayanan na magtrabaho araw-araw. 

Iyon sana ang sekreto na marami sa atin ay hindi pa nakakaalam. Akala natin, iilan-ilan lang ang pwedeng maging matagumpay. Lahat tayo may kakayanan niyan basta't handa tayong ibigay ang ating sarili araw-araw. 
 
Sabi ng isang batikang psychologist, si Dr. Angela Duckworth, na ang key characteristic sa success is a combination of passion and perseverance. And this combination is what Dr. Duckworth calls grit. 
 
Grit - ang kakayahan nating umeffort at magtrabaho kahit ano pa ang pagsubok na hinaharap natin!
 
Let’s take it from Shaq and Dr. Duckworth! The secret to winning, the secret to success, is to keep working hard until it beomes everyday to us.
 
The third secret is the secret to happiness.

Now we go to the third secret. Itong panghuling sekreto ko ay gusto kong ishare dahil napakaimportante nito. Kung ang una ay life lesson on living, the second is a life-lesson on winning or success, itong pangatlo ay the secret to happiness.
 
The secret to happiness is even more important these days because, in case you haven’t noticed, parang dumami na ang nega!
 
In my case, kitang kita ito online. Nakita niyo na rin siguro! Namimiss ko na yung 4 to 5 years ago. Dahil ang mga trolls ko noon ay mga masasaya at mababait na trolls. Four to 5 years ago, when I first became  senator, we had a troll that everyday would wake up and change our Wikipedia page. Nilalagay niya doon, "Sen. Bam Aquino is a Ninja Turtle." 

Noong time na yun, tuwang-tuwa kami sa kanya. Isipin niyo, araw-araw may nagtiya-tiyaga para palitan ang ating Wikipedia page. Sabi rin niya, isa akong Ninja Turtle, isang batikang hiphop dancer, master twerker at kung anu-ano pa. Pero lahat ‘to may konting pangutya, pero may konting kasiyahan din. 
 
These days, 5 years later, unfortunately, tumindi na ang fake news at paninira ngayon. Ngayon, hindi na ako Ninja Turtle, ginawa na akong terorista. 
 
Sa totoo lang, hindi lang yan lumala para sa mga taong nasa pulitika. Alam natin na sa kabataan ngayon, marami ang nabibigatan sa tindi ng negativity sa kanilang buhay. 

Palaging may nagsasabing: Hindi mo kaya!, Kalokohan ‘yan!, Wala kaming pake sa pinagdadaanan mo!
 
Just the other night, I was having dinner with youth organizations that we awarded in the TAYO awards; and for the first time in the 16-year history of TAYO Awards, more than 2 or 3 of them were focused on the mental health of the students. 
 
Ang isang grupo doon na nakabase sa isang private university sa Visayas, nagbanggit sa amin na in their survey of more than 800 Grade 11 students, they were shocked to find out that more than 10% had tried to commit suicide. Nakakashock at nakakalungkot. Nagulat ako na tila marami sa ating mga kabataan ay nalulunod na sa negativity.
 
Friends, we cannot allow the next generations to drown in all this negative noise. We need to build a society that listens, understands, and encourages one another. We need to build a Philippines that is prosperous but happy as well.
 
So ano ang natutunan ko sa secret to happiness? 

Nagkaroon ako ng pagkakataon maka-attend ng isang lecture ng isang neuroscientist! This neuroscientist studied people’s brains to try to determine what triggers happiness. 

Ang sabi niya, mayroong dalawang panahon na tayo ay nakakaranas ng kasiyahan sa ating buhay. Ang sabi niya, hindi pera o wealth, hindi rin achievement o award, at hindi rin romansa ang nagbibigay ng kasiyahan. Ang sabi niya, people are the happiest when they are kind and compassionate to one another. Iyon ang panahon na nakakaranas ang katawan natin ng totoong kasiyahan sa ating buhay. 
 
What makes people happy, according to neuroscience, is kindness and compassion towards to one another.
 
Kindness and Compassion are the secrets to happiness.
 
So you see, dear graduates, all this hate and negativity we see in our lives and online can literally bring us down. Kung gusto natin ng masigla at masayang kinabukasan para sa ating sarili at para sa ating lipunan, kailangan natin labanan ang galit at poot, at maging boses ng pag-asa at pag-unawa. We cannot allow the cynical voices to win. We cannot allow them to get even louder. 
 
I would like to share to you a story of a young Filipino who was able to utilize the voice of hope, rather than the voice of adversity - that is Geraldine. 
 
Nakilala ko si Geraldine noong bumisita ang aming Libreng Kolehiyo Caravan sa Iloilo.
 
Si Geraldine ay pangatlo sa labing-isang anak. At mahirap ang kanilang pamilya. 
Dahil dito, mababa ang tingin sa kanila ng mga kamag-anak. Sabi ng iba, hindi na aasenso ang pamilya ni Geraldine. Dahil sa hirap ng buhay, noong nag-graduate si Geraldine ng High School, namasukan muna siya sa kaniyang tiyahin.
 
Sabi ng tiyahin niya na papaaralin siya sa kolehiyo kaya tuwang-tuwa si Geraldine. Pero noong siya'y namasukan na, hindi na siya pinag-aral at pinagtrabaho na lang.
Kaya umalis si Geraldine at nakahanap ng raket bilang mananahi ng mga bag. 
 
Noong kapos at kinailangan niyang umutang, hindi siya pinautang ng kaniyang amo at hindi rin siya pinautang ng kaniyang mga kaklase. Ramdam ni Geraldine na walang may pake sa kaniyang sitwasyon.
 
Ang ginagawa niya, papasok siya sa factory upang makapag-ipon at makapasok sa kolehiyo. Kapag naubos na, papaosk na naman at mago-over time para makapag-ipon sa kanyang tuition.

Pero sa lahat ng kanyang pinagdaanan, si Geraldine ay matapang. Hindi nagpatalo si Geraldine sa mga boses na nagsabing: "Hindi ka aasenso! Hindi ka magbabago!" "Hindi mo maangat ang iyong sarili mula sa kahirapan." At ang pinakamalala sa lahat: "Kalokohan ‘yang pangarap mong makapag-college!"

Ngayon na dahil sa suporta ng libreng tuition sa Free College Act, third year college na siya at ginagawa na niya ang kaniyang thesis! Malapit na siyang grumaduate. At tulad ninyo, ang kanyang kinabukasan ay talagang napakaganda at hopeful. 

Si Geraldine, hindi nagpatalo at hindi sumuko. Kahit napakaraming boses ang nagsabi na hindi niya kaya. Alam ko na marami sa kabataan natin ngayon, ganito rin ang karanasan. Marami nagsasabi na hanggang dito na lang tayo at hindi natin kaya. Pero kailangan po na ang umiral sa ating puso at isipan ay ang boses na nagsasabing: "Kaya mo yan!"
 
Dear friends, when we look at the stories of revolutionaries and change-makers, we find that there are always critics and there are always people that say you cannot do it. 
 
But can you imagine if Bill Gates gave up after his previous business ventures failed, we may never have had “a computer in every home.” If Steve Jobs gave up whenever his ideas were shot down, we wouldn’t have “a computer in every pocket.”
 
If Mahatma Gandhi gave up those countless times he was thrown in jail, we would never have known the power of non-violence.  If Cory Aquino believed those that said a housewife could never be president, who knows if we would have freedom and democracy today. (Happy Birthday, Tita Cory!)
 
Like them and like Geraldine, we need to strengthen our inner voice that says, “Kaya natin! Kakayanin natin!” 
 
Kailangan nating magtulungan. Kailangan nating suportahan ang isa't isa.
 
These days, hindi na sapat ang magkaroon ng boses para sa ating sarili. Kailangan nating maging voice of optimism and hope tayo para sa isa't isa. For those who have known nothing but judgment, we need to be that voice of understanding.
 
For those that have known nothing but disappointment, we need to be that voice of confidence. For those who are paralyzed by their failures, we need to be that voice of inspiration.
 
As you leave the comfort of your school, you will find that the real world out there can be dark, cold and full of critics and defeatists. But you must always remember that our world can be colorful, kind and full of inspiration – if that is what we make it!

We must always remember that our life is what we make of it. If we live life with no filters and build genuine connections with one another; if we work hard to be better, no matter what challenges lay ahead; and if we are kind to others and become that voice of hope and compassion for our fellow Filipinos; if we take to heart these three lessons, I know that we can be successful, happy and prosperous.
 
Iyan po ang aking munting pabaon sa inyo. From the bottom of my heart, I wish that all of the graduates here ay maging matatagumpay na Pilpino. 
 
Maraming, maraming salamat. At congratulations sa mga bagong graduates ng Adamson University!




More News


See Archive

Featured News